Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pari nagbaril sa baba dedo

0 97

Inaalam pa ng awtoridad kung nagpakamatay ang isang pari matapos itong matagpuang patay at may tama ng bala sa baba sa loob mismo ng kanyang silid sa loob ng simbahan sa Taytay, Rizal.

Nakita rin sa tabi ng bangkay ng pari ang hindi pa batid na kalibre ng baril. Sa ulat ng Taytay Police, alas-3:45 kamakalawa ng hapon nang madiskubre ng security/maintenance ng simbahan ang bangkay ng pari kaya agad nitong ipinagbigay-alam ang pangyayari sa mga awtoridad.

Sa salaysay ng isang kasamahan ng pari sa pulisya, lumilitaw na mayroon umano itong dinadalang problemang pampamilya pero inaalam pa kung posibleng may kinalaman ito sa insidente.

Narekober ng mga awtoridad mula sa crime scene ang isang revolver na may dalawang bala, at isang deformed fired bullet. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.