Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pari natagpuang patay sa kumbento

0 224

Isang matandang pari ang nakitang wala nang buhay sa loob ng banyo sa isang kumbento sa Ormoc City, Leyte, Biyernes ng hapon.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng pagkamatay ni Fr. Rafael Pepito, 63, na matagal nang nagsisilbi sa Saints Peter and Paul Church at tubong Ormoc. Kaugnay ng pangyayari sa simbahan, inaalis ng mga pulis ang posibilidad ng foul play sa pagkamatay ng pari.

SM food to go Banner Ad

“At this point, we cannot say what could be the immediate cause of the death of Fr. Pepito. We are ruling out any possible foul play considering that the place of incident was a church,” saad ni Police Major Reynaldo Honrado, Ormoc City Police Station I chief sa ulat.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na magmimisa sana si Fr. Pepito tanghali noong Biyernes pero hindi ito sumipot.

Isang madre ang nakadiskubre sa bangkay ni Fr. Pepito sa banyo sa loob ng kuwarto ng pari na nasa ikalawang palapag ng kumbento. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.