Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pari pumapak ng 3 bata, himas-rehas

0 272

Labindalawang taon na pagkakabilanggo ang hinatol sa isang pari sa Germany matapos mapatunayan ang ilang taon niyang panggagahasa at iba pang klase ng sexual harassment sa mga bata.

Batay sa ulat, dinikdik sa kaso ang isang 70 taong gulang na pari na itinago lamang sa pangalan na ‘Hans U’.

Bukod sa pamamalagi sa bilangguan, pinagbabayad din ang nasabing religious leader nang halagang $56,000 o nasa P2.8 milyon sa tatlong biktima.

SM food to go Banner Ad

Sa sobrang hilig umano ng naturang pari sa bata, isa sa kanyang mga naging biktima ay isang 9-anyos.

Minamanyak umano ng pari ang mga bata sa bawat pagkakataon na nagkakaroon siya ng oras kasama ang mga ito. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.