Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pari sa Zambales na-COVID, simbahan ni-lockdown

0 190

Isang pari ang nasawi sa COVID-19 dahilan upang i-lockdown ang simbahan kung saan ito nagmimisa sa lalawigan ng Zambales.

Ayon sa ulat, si Fr. Felix Labios Jr., ng San Nicolas de Tolentino Parish sa bayan ng Castillejos ay nasawi sa COVID-19 nitong Abril 17, base sa parish advisory kamakalawa.

Ang nasabing pari ay sumailalim sa kidney transplant may dalawang taon na ang nakalilipas at nang tamaan ito ng COVID kamakailan ay lumala ang kalagayan nito.

SM food to go Banner Ad

Ang labi ng pari ay agad namang crinimate base na rin sa kautusan ng Inter Agency Task Force- Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

Nagsasagawa naman ng contact tracing ang health official sa mga nakasalamuha ng pari. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.