Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pari sumalpok sa 10-wheeler, dedo

0 151

Hindi na naisalba pa ang buhay ng isang pari matapos bumangga ang minamaneho nitong pick-up sa isang 1-wheeler truck at mahulog pa sa gilid ng daan sa Zamboanga City, gabi ng Miyerkules.

Kinilala ang biktimang si ni Fr. Fred Alavado, na nasawi din sa pagamutan matapos itong bumangga sa likurang bahagi ng isang 10-wheeler truck kung saan wasak ang harapan ng pick up sa highway ng Barangay Culianan.

Inabot din ng ilang minuto bago nasagip ang pari ng mga rescuers.

Sa report, patungong Sindangan sa Zamboanga del Norte ang biktimang parish priest sa Barangay Manicahan sa Zamboanga nang mangyari ang aksidente.

Puspusan pa ngayon ang imbetigasyon ng pulisya sa nasabing aksidente.

Leave A Reply

Your email address will not be published.