Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pari tinorture hanggang matodas

0 117

Pinaniniwalaang pinahirapan muna bago pinatay at binaril ng di nakilalang mga salarin ang isang pari na natagpuang naliligo sa sariling dugo sa kalsada, Linggo ng gabi sa Malaybalay City, Bukidnon.

Kinilala ni Police Regional Office 10 Director Brig. Gen. Rolando Anduya ang biktimang si Fr. Rene Regaladao, 42, nanunuluyan sa Bishop House Mampaalong St. Barangay 9.

Natagpuan itong duguan at may tama ng bala sa ulo ilang metro ang layo sa Carmelite Monastery. Habang ang sasakyan nitong Chevrolet ay nakaparada may 3-metro ang layo sa bangkay.

May mga pasa din sa mukha ang pari na palatandaang binugbog muna ito habang ang isang kamay ay nakatali pa ng sintas ng sapatos at ilang metro ang layo sa bangkay ay ang isang kalibre .45 baril na kargado ng magazine at mga bala.

Sa imbestigasyon, napag-alaman kay Fr. Elvis Petros, nakatira sa Carmelite Monastery, na alas-7:30 ng gabi ay nakarinig siya ng limang sunod-sunod na putok.

Sinubukang dalhin sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima pero dineklara na itong dead on arrival.

Nabatid kay Anduya, na alas-2:00 ng hapon nang magtungo ang biktima sa Diocesan Formation Center sa Barangay 10 Malaybalay City at huli itong nakitang buhay alas 7:00 ng gabi pag-alis sa center.

Lumilitaw na may natatanggap nang banta sa buhay ang pari dahil sa hindi malinaw na kinasangkutan niyang kaso. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.