Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pari tsugi sa sex scandal kay doc, sinibak

0 5,007

Tinanggal na sa simbahang kanyang pinaglilingkuran ang isang pari sa Pampanga habang gumugulong ang imbestigasyon tungkol sa diumano’y pakikipag-sex nito sa may asawa.

Nag-viral ang video kung saan makikita ang panggigigil ng dalawang lalaki sa pari.

“Pari kumakant*t ng nanay? Pari!” pasigaw na bulalas ng isang lalaki matapos na makaharap ang pari na gumalaw umano sa kanyang misis.

Sinabihan din ng mister na “ahas” at naninira ng pamilya ang nasabing pari matapos wasakin ang kanilang family picture sa harapan nito. Nabatid na ang sinasabing nakarelasyon ng pari ay isang doktora kung saan doktor din umano ang mister nito.

Dahil sa insidente ay agad namang umaksyon ang Pampanga Archbishop at binawalan nang magmisa ang nasabing alagad ng Diyos sa kanilang kura-paroko.

“I removed him from the parish and allowed him to celebrate Mass only in his house for his spiritual sustenance,” sabi naman ni Pampanga Archbishop Florentino Lavarias sa report ng Inquirer. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.