Abante Tonite Interactive

Paris ipinagtanggol si Michael Jackson kay 50 Cent

0 430

Mainit ang naging bangayan sa pagitan ng rapper na si 50 Cent at anak ni Michael Jackson na si Paris.

Hindi kasi nagustuhan ni Paris ang pagkukumpara ni 50 Cent sa ama niyang namayapa at sa rapper na si Chris Brown.

Nangyari ito matapos magbahagi si 50 Cent ng video sa performance ni Chris Brown na sunod-sunod ang pag-backflip.

“All I’m saying is I never seen MJ (Michael Jackson) come out like this,” caption niya sa video.

Ipinagtanggol ni Paris ang kaniyang ama na tinaguriang “King of Pop” sa pangungumparang ginawa ni 50 Cent.

Komento niya sa post ng rapper, “Superbowl 1993. True legends don’t need to exert outrageous amounts of energy just to grasp your attention. stillness, my friend. stillness. more power in stillness than you can probably understand.”

Ang superbowl 1993 performance ng King of Pop ay isa sa mga hindi malilimutang halftime show sa buong mundo.

Hindi naman nagpatalo si 50 Cent. Nag-post siya sa kanyang Instagram ng screenshot ng headling tungkol sa pagdepensa ni Paris sa ama laban sa kanya.

Caption niya sa post, “Why am I the bad guy,I understand how you feel Paris,but does anyone care about how the little boys butts feels.”

Mabigat ang naging komento na ito ni 50, dahil tumutukoy ito sa alegasyong child sexual laban kay Michael Jackson noong 2005 at hinatulan ito ng “Not Guilty” ng korte.

Sa ngayon ay wala pang reaksyon si Paris sa claim ng rapper. (Ronaline Avecilla)