Abante Tonite Interactive

Parish of Saint Padre Pio bagong tourist destination sa Batangas

399

Inaprubahan na ng House Committee on Touris­m ang panukalang magdedeklara sa Nationa­l Shrine and Parish of Saint Padre Pio sa Sto. Tomas, Batangas bilang isang tourist destination.

Partikular na nakalusot sa komite ang House Bill 773 na inakda ni Batangas Rep. Ma. Theresa Collantes.

Layon ng panukala na ideklara ang Nationa­l Shrine of Padre Pio bilang tourist destination upang sa gayon ay matitak ang suporta ng nationa­l government para sa pagpabubuti, preserbasyon at konserbasyon ng naturang lugar.

Mula taong 2003, sinabi ni Collantes na libo-libong mga deboto at parishioner na ang bumibi­sita sa shrine para magsimba at mag-alay ng espes­yal na dasal at kagalingan sa pamamagitan ng intercession ni Saint Padre Pio.

Sinabi pa niya na mula nang ideklarang National Shrine ang Saint Padre Pio ay dagsa ng trabaho at oportunidad ang bumuhos sa lugar.

“To meet the increasing potentials of the place, it is significant that the national government, through the Department of Tourism (DOT) and the Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) to provide funding assistance and ensure its proper tourism development planning and implementation are undertaken, ” ani Collantes.

Sa ilalim ng House Bill 773, ang DOT, kasama ang koordinasyon ng local government ng Sto. Tomas, Batangas para tumutok sa pagmamantine ng national shrine. (Lorraine Gamo)