Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Park Bo Gum astig ang porma sa military

0 143

Kahit nagsi-serve si Park Bo Gum para sa kanyang mandatory military service, nakakapagpakilig pa rin siya.

Ang daming nagsasabi na bagay pa rin sa actor ang kanyang uniform at ang guwapo pa rin ito. Kaya hearthrob na hearthrob pa rin ang dating niya sa military.

Noong October 8, natapos na si PBG ng kanyang anim na linggong basic military training. Kung matatandaan, nakapasa si PBG nang mag-apply ito sa cultural promotion team ng Navy. Kaya noong August 31, nag-enlist si PBG.

Ginanap ang training completion sa Naval Education & Training Command sa City of Changwon. Naglabas ang The Republic of Korea Navy ng ilang video at pictures mula sa completion ceremony .Isa nga si Park Bo Gum sa nasa picture kasama ang mga kasabayan niyang trainee o recruits.

Dahil nasa Navy nga, kapansin-pansin na iba ang uniporme ni Park Bo Gum kumpara sa mga Korean na pumapasok sa military.

May kulang dalawang taon pa si Park Bo Gum sa Navy bago nito matapos ang kanyang enlistment at makabalik sa entertainment.

Pero, tila naiplano na ni PBG at ng Blossom Entertainment ang pag-enlist niya.

Kahit wala sa sirkulasyon ngayon, hindi siya mami-miss ng tuluyan. Isa sa pinapanood at inaabangan ay ang kanyang on-going drama na “Record of Youth” na kasalukuyang napapanood sa tVN at sa Netflix worldwide. Meron pa rin siyang Korean film na tinapos bago siya mag-enlist.

Leave A Reply

Your email address will not be published.