Abante Tonite Interactive

Park Bo Gum at Yoona na-develop

By
2,061

May namumuong ‘some­thing’ nga ba sa South Korean actor na si Park Bo Gum at sa South Korean actress at leader ng female K-pop group na Girls Generation na si Yoona?

Nagkasama ang dalawa sa ‘Hyori’s Bed and Breakfast’ kunsaan, parehong umapir bilang mga short-term part-time workers sina Bo Gum at Yoona.

Mismong insider ng show ang nakapansin daw na tila may ibang chemistry at connection ang dalawa. Pero mas nagiging maingay ngayon ang obserbasyon na tila may posibilidad na mag-grow na relationship sa dalawang sikat na artista ng South Korea nang ang mga fan na ang nakapansin ng ‘kakaiba’ raw sa mga kilos nila.

May mga tagahanga at nakasubaybay sa Hyori’s­ Bed and Breakfast na ngumingiti lang daw si Park Bo Gum kapag tumitingin ito kay Yoona.

Sabi sa allkpop.com, “When he glances across the room where Yoona was seated, he gave off this bright smile.”

Maging ang Lee couple na sina Lee Hyori at Lee Sang-soon ay napansin ang ganitong kilos daw ni Bo Gum.

Bukod kasi sa ginawa nilang variety show, nagulat din, lalo na ang SoKor netizen, nang may lumabas na picture nilang dalawa na magkasama. Kuha ito sa premiere night ng pelikulang ‘Be With You’ kunsaan, parehong nanonood sina Yoona at Bo Gum.

Madalas sa South Korea, pagkatapos ng isang show na pinagsamahan nila, madalang o napakaingat ng mga celebrity na makitang magkasamang muli lalo na kung wala na itong kinalaman sa kanilang pinagsamahang programa.

Isang dahilan na ang nabibigyan ito ng kakaibang kulay at gayundin ang mataas na respeto ng mga South Korean stars sa isa’t isa. At dahil nga sa nakitang sighting pa nila kahit tapos na ang guesting nila sa Hyori’s Bed and Breakfast, marami ang nag-i-speculate na posibleng may ma-develop na mas malalim daw na pagkakaibigan sa dalawa.

Bukod dito, marami na rin ang nagsi-ship na sana raw, magkasama sa isang K-drama sina Yonna at Park Bo Gum. Sa ngayon, pagkatapos ng Moonlight Drawn by Clouds, wala pa rin nababalitang bagong K-drama na tinanggap o gagawin ng actor.

Si Yoona naman, tumanggap ito ng award sa katatapos na 12th Annual Asian Film Awards noong March 17 sa Macau sa kanyang pagganap sa Korean film na Confidential Assignment. Nominado rin siya bilang Rookie of the Year.

Ang huling seryeng ginawa niya ay noong isang taon, ang The King in Love ng MBC.