Abante Tonite Interactive

Park Bo Gum graduate na

By
3,243

HALOS lahat ay natuwa at ang mga netizen ay nag-congratulate sa South Korean actor na si Park Bo Gum.

Noong February 21, isa si Bo Gum sa mga college graduate na nag-march sa gradua­tion ceremony ng Myongji University in Yongin. Saktong apat na taon si Bo Gum sa unibersidad at isa sa sinasabing ‘diligent student’.

Kahit na nga naman nagsimula na ito sa kanyang acting career, nakagawa ng drama, ang Moonlight Drawn by Clouds at naging kabilaan ang mga endorsements, hindi napabayaan ni Bo Gum ang kanyang pag-aaral at maituturing­ na isa sa magandang ehemplo, lalo na sa kanyang mga tagahanga na kung talagang gustong makatapos ng pag-aaral, kahit gaano pa ka-busy ay magagawa ito.

Maaaring ang pag-aaral din niya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, hindi pa siya tumanggap ng panibagong drama pagkatapos ng matagumpay na Moonlight Drawn by Clouds.

Ngayong naka-gra­duate na siya ng kolehiyo, major in Musical Theater, posibleng mas marami ng TV offers na tanggapin ang actor. Habang nag-aaral sa Myongjin, nakagawa siya ng isang musical sa kanilang unibersidad, ang ‘Hairspray’ kunsaan, siya ang naging musical director.

Nag-post din si Bo Gum sa kanyang Instagram account ng picture niya na naka-toga, may hawak na bouquet of flowers at naka-thumbs-up sign.

Bago ang graduation ceremony, nagpahayag ng mensahe niya si Bo Gum na lumabas sa ilang Korean news portal kabilang na ang soompi.com.

Ayon sa actor, “Thank you for coming all the way here. I am so nervous for graduation. I learned a lot over four years, and I want to thank my schoolmates, seniors, juniors, and professors.”