Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Park Bo Gum magpa-piano sa Navy

0 71

Tahimik na nag-enlist sa kanyang mandatory military service si Park Bo Gum.

Pumasok siya sa gitna ng pandemic noong August 31. Dahil na rin sa COVID-19, walang farewell mula sa kanyang mga tagahanga na karaniwang nangyayari, lalo na sa mga sikat na artista ng South Korea.

Nag-apply siya noong May para sa cultural promotion of the Navy at natanggap siya. Balita namin, he will be performing piano while inside the Navy.

Bagamat malungkot ang mga tagahanga niya, career-wise, baka isa sa magandang panahon na mag-enlist dahil konti lang ang posibleng ma-miss outside. Kahit sa entertainment, limitado pa rin naman ang allowed.Mukhang perfect ang timing ng 27 year old actor.

Anyway, may iniwan naman siyang bagong drama na mapapanood habang nasa military siya.

Nag-premiere na kagabi, September 7 ang bagong drama na “Record of Youth” ng tvN . Gumaganap si Bo Gum bilang si Sa Hye Joon, an aspiring actor/ model. Kasama rin sa drama sina Park So Dam at Byoon Woo-Seok.

Bukod dito, nag-iwan din siya ng regalo sa kanyang mga tagahanga na bukod sa Record of Youth, may dalawang Korean film din siyang tinapos.

Ang sci fi thriller na “Seo Bok” at ang “Wonderland.”

Kaya kahit sa April 2022 pa siya madi-discharge sa kanyang military service, visible pa rin si Bo Gum mapa-telebisyon at pelikula.

Leave A Reply

Your email address will not be published.