Abante Tonite Interactive

Park Bo Gum nag-alala kay BTS V

186

tonite-annyeong-rose-garcia

 

Nag-aalala raw ang South Korean actor na si Park Bo Gum sa kaibigan niya, ang isa sa mi­yembro ng BTS na si V. Sobrang hectic daw ng schedules nito dahil sa world tour ng BTS at nagwo-worry si Bo Gum na magkasakit ito.

iKon music video naka-100M view na

Ang “Killing Me” music video ng boy group na iKon ay umabot na sa 100 million views. Killing Me was released last August 2018. Bahagi ito ng album na New Kids: Continue.

Red Velvet Irene, Blackpink Jennie nag-bonding

Spotted si Red Velvet’s Irene at si BLACKPINK’s Jennie na kumakain sa isang restaurant sa L.A. Parehong may engagement ang dalawang South Korean girl group member sa America. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakitang malapit sa isa’t isa ang dalawa.

Napagkamalang birth control pills

Dahil sa pinost ng Korean singer na si Hyuna sa kanyang Instagram account na larawan ng isang “Cola Ball” candy, inakala ng mga international fans niya na birth control pills ito. Si Hyuna ang may controversial na relasyon kay E’ Dawn.

Chani pinaiyak ang magulang

Umiyak daw ang mga magulang ni SF9’s Chani dahil sa eksena niya sa K-drama na “Sky Castle.” Inaresto siya ng mga pulis sa kabila ng pagi­ging inosente niya. Ibig sabihin, epek­tibo ang pag-arte niya.

Gayunpaman, na-upset daw siya dahil umiyak ang parents niya.