Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Park Bo Gum nagluto sa 600 sundalo

0 182

Miss na miss na ni Park Bo Gum ng kanyang mga tagahanga. Tuwang-tuwa sila kapag may news o larawan itong lumalabas habang naka-enlist siya ngayon bilang soldier ng Navy.

Pumasok sa militar si Bo Gum noong August 31, 2020 . Mag-iisang taon na nga ito sa kanyang mandatory military enlistment. Posibleng ma-discharge siya sa April, 2022.

Happy ang mga fan ng actor dahil sa lumabas na video . Naging guest siya sa show na “Chef’s Special Meal” na na-upload noong August 14, 2021. Kitang-kita kung paano, ginawa ni Bo Gum ang best niya para makapag-prepare ng meals sa mga soldiers. Katulong din ang ilang team ng military cook, nagtulong sila para makapagluto para sa mga soldiers sa ibinigay na oras lamang.

Kasama niya rito si Chef Jung Ho Young.

Pinuri ng mga netizen ang actor nang sabihin nito ang dahilan kung bakit siya nagdesisyon na magkaroon ng guest appearance sa show.

Ayon dito, “So many soldiers eat everyday, right? But the act of preparing meals for so many people, without any rest…I wondered when I would ever get the chance to have this kind of experience. I hoped I could help out a little and make meals just a little more delicious for these 600 soldiers.”

Kapansin-pansin na tila mas lalo pa itong gumuwapo at mas lumaki rin ang katawan habang suot ang kanyang Navy uniform.

Ilan sa mga comment na nabasa namin; “How generous of him to give us an update of his military life, and his superior to gave the permission.”

“Oh wow! He’s looking great! So proud of him! Missing him loads!”

“Missing him so much- good to see you again looking healthy and handsome. Now, that killer smile!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.