Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Park Bo Gum nilantad ang buhay militar

0 709

Talagang kahit na kasalukuyang nasa military ay busog na busog pa rin ang mga BoGummy fan. Sila ang mga tagahanga ng South Korean actor na si Park Bo Gum.

Katatapos lang ng kanyang basic military training at ngayon nga ay nakakuha na ng update sa kanyang unang event bilang cultural promotional soldier ng Republic of Korea Navy.

Nagsilbing host si Bo Gum ng Navy’s 19th onboard debate na ginanap sa Seogwipo Art Center sa Jeju Island. At naka-broadcast ito ng live sa Republic of Korea Navy’s You Tube at Facebook page.

Kinamusta ng kasamang host si Park Bo Gum ngayong wala ito sa limelight at kasalukuyang naka-enlist.
Ayon sa actor, “I completed my training and am now participating in my first official event on Jeju Island. Tonight is also the night of the ‘Record of Youth’ finale. I hope that people will tune in to the drama after enjoying tonight’s concert.” He also promoted his upcoming sci-fi film with Gong Yoo.

Dugtong pa niya, “The Republic of Korea Navy Band and the naval promotion department worked hard to prepare for this concert. Today’s concert is being broadcast live via the navy’s YouTube channel, so please stay with us until the end.”

Bago ang final performance ng mga navy, sinabi rin ni Bo Gum na, “The strength of the navy is the future of South Korea.” at saka nila inawit ang Korea Navy’s military song.

Hindi rin nakalimutan ni Bogummy na i-promote ang nag-finale na niyang drama, ang ‘Record of Youth’ na nagtala pa rin ng mataas na rating sa finale episode nito.
At kahit nasa military siya at katatapos ng kanyang drama, heto’t ipalalabas na ang nagawang Korean film kasama si Gong Yoo. ito’y ang “Seo Bok” na ipapalabas na ngayong December.

Leave A Reply

Your email address will not be published.