Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Park Bo Gum panis sa katawan ni Diego

0 275

Isang taon na tayong survival of the fittest, elimination of the unfit mode dahil nga sa pandemya. May mga bakuna at masigasig naman na maipatupad na ang mga dapat mabakunahan ay mangyayari. Kaya nga, ang diva that you love, hindi maiwasang magtaka, para saan ang pagbabalik sa curfew kung ang lunas ay andiyan na? Sumusunod naman ang mas nakakararami sa protocols, para saan ito? Nagtatanong lang po.

Buti na lang at nawala ang stress at pagkayamot sa curfew eme dahil natungahayan ang very impressive trailer ng “Encounter” ang Philippine adaptation of a well-loved Korean drama na pinagbibidahan nila Song Hye-kyo at Park Bo Gum na ngayon sina Cristine Reyes at Diego Loyzaga na ang bidang-bida.

Akmang-akma ang branding ni Loyzaga na the “newest heart throb.”Naangkop siya sa paglalarawan bilang lalaking makisig, na maganda ang mukha at tindig. At alam rin naman natin lahat how yummy-licious ang katawan nito sa kasalukuyan.

Pasintabi sa mga tagahanga ni Ginoong Park, hindi niya kayang tapatan ang kaseksihan ni Diego lalo na paghubad ito.

Bagay na bagay rin kay Bb. Reyes na pa-damsel in distress, ready to take her chance again sa romance department and with a young man as her best accessory bilang si Celine.

Best in bangs pa si Cristine at gustong-gusto ko ang kanyang conservative at corporate styling. It looks so refreshing on her.

SM food to go Banner Ad

Aside from the fact na glossy ang look at feel ng drama na parang gustong ipakita rin ang beauty of the Philippines, pag magkasama na sa screen ang dalawang lead stars, juice colored! Believable at palpable ang chemistry. May crackle! May sizzle! May kilig!

Mukhang may bagong kahuhumalingan ang mga manonood at ang mga sumubaybay sa orihinal na bersiyon ng palatuntunan.Hindi sila mabibigo at madidismaya dahil ang pagbagay ay tila tapat sa Korean dramang “Encounter.”

Congratulations are in order kina Cristine Reyes at Diego Loyzaga? Ano nga kayang portmanteau ang bagay para sa bagong tambalang ito? Ano ang mga suhesityon niyo, my dear TONITE readers?

Ellen, Derek ‘pipirma’ ng prenup agreement

Papatulan pa ba natin ang paandar nina Ellen Adarna at Derek Ramsay sa isang TV panayam?

Huwag na. Mas dapat pa nga nating bigyan pansin ang trending na #NoTo3inOnePalawan kesa sa naglulumanding pag-amin ni Adarna na her jaw dropped nung una niyang makita in person si Ramsay . Pati ‘yung pasakay ni Derek na kahit pareho silang super alphas eh super calm sila pag sila ay magkasama.

Sa kasalan na conversation topic na pala nila, ang diva that you love ang tanging iha-hanash na lamang ay PRENUPTIAL AGREEMENT is a must.Dapat ba silang pumirma? Tama? Tama!!!

Leave A Reply

Your email address will not be published.