Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Park Bo Gum papasok na sa military

0 139

Kumpirmado na magpapaalam si Park Bo Gum sa kanyang mga tagahanga.

Halos dalawang taon ito na mawawala dahil kumpirmado na ang kanyang mandatory military enlistment. Inanunsiyo na ng kanyang agency na may date na ang pagpasok niya sa military.

Kung matatandaan, isinulat din namin dito kamakailan lang nang mag-apply si Park Bo Gum sa cultural promotion team ng navy.

Narito ang official statement ng Blossom Entertainment.

“This is an announcement regarding actor Park Bo Gum’s military enlistment.

“Actor Park Bo Gum was accepted as a cultural promotion soldier of the navy, and he will be enlisting on August 31, 2020.

“He will complete filming for the film “Wonderland” and drama “Record of Youth” (literal title) prior to his enlistment.

“We ask for your support so actor Park Bo Gum can fulfill his military duty in good health.”

Bukod sa dalawang proyekto na ginagawa ng actor, magpi-premiere na rin ang pelikulang “Seo Bok” na natapos niya.

Dahil dito, kahit nasa military siya, may maiiwan pa rin siyang mga papanoorin at aabangan ng mga fan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.