Abante Tonite Interactive

Park Bo Gum, Song Hye Kyo weird ang laplapan

317
tonite-annyeong-rose-garcia

Episode 11 at 12 na ngayong Linggong ito ng tvN’s drama na “Encounter” kunsaan, parehong comeback ng dalawang Hallyu stars na sina Park Bo Gum at Song Hye Kyo.
Pero sa nakaraang episode 10 ng show na ipinapalabas tuwing Martes at Miyerkoles KST, talagang naging mainit ang kissing scene nina Bo Gum bilang si Kim Jin Hyuk at Hye Kyo bilang si Cha Soo Hyun.
Naganap ang halikan sa Cuba.
Tumagal ito halos ng isang minuto at 20 segundo. In fairness, maraming netizen ang natuwa, kinilig at pumuri sa dalawa. Karamihan sa mga komentong nabasa namin, pinuri sina Hye Kyo at Bo Gum sa kanilang professionalism.
Tinitingnan ng karamihan na posibleng hindi madaling itawid ang naturang kissing scene dahil sa personal na relasyon na meron sila. Si Hye Kyo nga kasi ay asawa ng Hallyu star na si Song Joong Ki at isang taon pa lang silang kasal habang si Bo Gum naman ay matalik na kaibigan ni Joong Ki.
Nasusubaybayan namin ang “Encounter” na ipinapalabas naman sa VIU na may English subtitle.
Hindi namin maitatanggi na masarap panoorin sina Bo Gum at Hye Kyo dahil parehong ang ganda ng visual nila. Kahit sabihin pang tulad ng mga character nila ay malaki ang agwat ng edad nila. May chemistry talaga ang dalawa na nagbibigay ng kilig.
Pero may pagkakataon talaga na medyo “awkward” tingnan.
Tulad ng comment ni jenna2_san, “It’s kinda weird. Song Joong Ki’s best friend kissing his wife! I know it’s acting but it’s still kinda weird.”
Sinagot naman ito ng isang netizen na, “They’re acting at professional level, separate from their private lives.”
Pero all in all, maituturing na success ang “Encounter” with the interest of the audience and high ratings.