Abante Tonite Interactive

Park Bo Gum at Song Joong Ki, napagkamalang gay couple

By
2,519

DAHIL sa kasalukuyang Pyeongchang Winter Olympics na ginaganap ngayon sa South Korea, maraming mga athletes, tourist at reporters mula sa iba-ibang bansa ang nasa South Korea para personal na ma-witness ang 2018 Winter Olympics.

Ang sportswriter mula sa Los Angeles Times na si David Wharton ay isa sa mga reporter na nagko-cover ng ­Pyeongchang Winter Olympics.

Dahil sa isang Twitter post niya na inakala niyang “discovery” niya tungkol sa Korea, na-bash ito lalo na ng Korean netizen.

Ang dahilan?

Napagkamalan niyang gay lovers ang dalawang sikat na South Korean actors na sina Song Joong Ki at Park Bo Gum nang kumain siya sa isang pizza house na ang mga celebrity endorsers ay ang dalawa.

Sa post ng L.A. Times sportswriter, “3 things about Domino’s in South Korea— it’s pretty damn good, it’s pretty damn expensive ($25 plus for a large) and the box features a gay couple for Valentine’s Day.”

Dahil sa pag-aakala niyang bading sina Joong Ki at Bo Gum, umani ng hate messages ang Twitter post niya.

Ilan sa mga comments ng netizens, nagduda rin daw sila ngayon sa kredibilidad ng writer bilang sportswriter.

May nagsabi rin dito na tinatawag ba niyang reporter ang sarili kung mali raw ang sinusulat. Sabi naman ng isa pang comment, “Try to learn before you post! Rubbish opinion!”

Siyempre, alam naman ng karamihan, lalo na sa mga nakasubaybay sa career nina Joong Ki at Bo Gum kung gaano ka-close ang dalawa bilang “brothers.” Pareho sila ng agency at very supportive si Song Joong Ki kay Park Bo Gum.
And of course, Joong Ki is now married to his wife, South Korean actress Song Hye Kyo.

Dahil sa tinanggap na mga hate messages, nag-apologize naman ang writer sa kanyang Twitter account.
Aniya, “Apologies for previous tweet re: Domino’s box. Mistook what the image represented.”