Abante Tonite Interactive

Park Bo Gum tuloy na sa ‘Pinas

271

Tuloy na tuloy na ang pagdating ng popular South Korean actor na si Park Bo Gum sa bansa. Kung matatandaan, dapat ay noong April 22 pa ang kanyang fan meeting na pinamagatang “Park Bo Gum’s 2019 Asia Tour: May Your Every Day Be A Good Day” pero na-postpone ito dahil sa nangyaring sunod-sunod na earthquake sa bansa.

Obviously, ayaw i-take ng agency ng aktor ang risk na papuntahin ito ng Manila sa posibleng banta pa ng earthquake.

Kaya naman na-move ang fan meeting niya sa Sabado, July 22, sa same venue pa rin, sa Mall of Asia Arena.

Abante Hiring – IT dep

Pero bago ang fan meeting ni Bo Gum, haharap muna ito sa ilang selected member of the entertainment press at bloggers sa isang 5-Star Hotel sa Manila for a media conference bukas, June 21.

Partner din ang ABS-CBN sa pagdadala sa aktor sa Pilipinas. Ang dating pinagbida-hang Korean drama niya na “Love in the Moonlight” ang naging susi sa pag-angat ng popularidad ni Bo Gum hindi lang sa South Korea kundi maging sa Southeast Asia. Sa Kapamilya network ito ipinalabas.

Ang huling drama niya na “Encounter” ay nag-finale episode sa tVN noong January 24. Inaabangan na ito sa ABS-CBN. Kapareha ni Bo Gum ang misis ni Song Joong Ki na si Song Hye Kyo.

Marami man ang nalungkot nang ma-postpone ang original date ng fan mee-ting, naunawaan naman ito ng mga taga-hanga ng aktor.

Ilan sa mga nababasa naming inaasahan ng mga fan ay kumanta at tumugtog siya ng piano, bukod siyempre sa ilang games at question and answer.