Abante Tonite Interactive

Park Bo Gum walang takot malaos

176

tonite-annyeong-rose-garciaHindi kaila sa bida ng “Encounter” na si Park Bo Gum na marami man ang sumubaybay at kinilig sa kanila ni Song Hye Kyo, meron talagang nakaramdam ng awkwardness. Paulit-ulit ang kissing scenes nila sa nasabing K-drama na nag-finale na rin.

Pero sa naging interview ni Bo Gum sa Sports Daily, ipinakita nitong hindi siya apektado sa mga ganung komento. Ang sa kanya, pareho lang nilang pino-portray ni Hye Kyo ang mga cha­racter nila.

Sa mga hindi nakakaalam, si Bo Gum kasi ay best friend ni Song Joong Ki, ang mister ni Hye Kyo.

Ayon kay Bo Gum, “Encounter” is not a romance between me and my friend’s wife, but a romance between Kim Jin Hyuk and Cha Soo Hyun. We were each ac­ting out our characters, so I focused on my portrayal of my character.”

Walang duda ang paghanga ni Bo Gum sa misis ng kaibigan. Naintindihan na raw niya ngayon kung bakit binansagan si Song Hye Kyo na “Melodrama Queen.”

“One of the reasons why everyone compliments Song Hye Kyo is that when she is ac­ting a sad scene, she says e­verything with her eyes. When I saw her eyes, I realized what they were talking about. She was really like CEO Cha Soo Hyun, and because of that, I was able to fall deeper into my role as Kim Jin Hyuk,” saad niya.

Hindi rin nilalagay ni Bo Gum sa ulo niya ang popularidad na tinatamasa niya.

Aniya, “Popularity isn’t forever, and I’m not afraid of my popularity falling. Because it’s inevitable. I’m just thankful and amazed at everyone who supports and loves me unconditionally, even though there’s nothing that I’ve done for them. I want to cherish it always and work hard to give back.”

Gusto raw ni PBG na marami pang magawang project na mas makikita siya, lalo na ng mga fan niya.

Kaya naka-line up na umano ang mga Asian fan meeting niya this year at sinasabi ngang isa ang Pilipinas sa pupuntahan niya.