Abante Tonite Interactive

Park Hae Jin nagso-shooting sa ‘Pinas

494

Nasa Pilipinas ngayon ang South Korean actor na si Park Hae Jin. Dumating ito sa bansa noong May 10. Ilang masuwerteng taga-hanga ang nakakita rito.

Nakita sa video na in-upload na kumakaway ang aktor sa ilang fan na nag-abang sa kanya.

Nasa bansa si Hae Jin para sa filming ng bago niyang drama, ang “Secret.”
Si Park Hae Jin ay nakagawa na ng mara- ming K-drama. Unang napansin sa “Famous Chill Princesses.” Nanalo siya rito bilang Best New Actor. Ilan din sa popular drama niya ay ang “My Love From the Star” at “Doctor Stranger.”

Bago ang ginagawa niyang drama na “Secret” ay kasama siya sa drama na “Four Sons” pero simula noong May of 2018, na-suspend na ang filming.

Ang agency ni Park Hae Jin ay nag-file ng charges for obstruction of business against the production company Victory Contents. Ito’y pagkatapos maakusahan si Park Hae Jin at ang agency nito and its affiliates of interfering with the drama’s production.

Noong February 2019 ay kinumpirma ni Hae Jin na may bago na siyang drama na gagawin, ang “Secret” nga. Nag-apply naman ang Victory Content ng char-ges para hindi magawa ni Hae Jin ang “Secret.” Pero umapela ang agency ni Hae Jin sa pagsasabing ang pinirmahan nilang kontrata sa production company ay hanggang October 2018 lang.

Noong April 8, pinaboran ng 50th Civilian Division ng Seoul District Court ang aktor. Dahilan kaya nakapagpatuloy ito ng pagpi-filming ng “Secret.”
Nagbigay rin ng pahayag ang agency ni Hae Jin. Ayon sa re-presentative, “In the future, those behind ‘Four Sons’ will not be able to issue press releases related to Park Hae Jin. They also cannot get involved in him filming other dramas.”

Dugtong pa, “We plan to take separate legal action in regards to the damaging of Park Hae Jin’s reputation through false statements.”