Abante Tonite Interactive

Park Hyung Sik pinakamataas ang rating sa military

383

Maganda ang performance na ipinapakita ni Park Hyung Sik.

Natapos na ni Hyung Sik ang limang linggo niya sa kanyang mandatory military service. Lahat ng nag-i-enlist ay dumadaan sa basic military training bago ma-assign kung saan itong talaga.

Sa pagtatapos ng kanyang 5 weeks basic military training, nakatanggap ng recognition ang aktor.

Ayon sa kanyang agency, ang UAA, “Park Hyung Sik received a commendation at the completion ceremony that took place at the Nonsan Army Recruit Training Center in South Chungcheong Province.”

Dumating din bukod sa kanyang mga magulang ang ilan sa mga tagahanga nito na nagsabing miss na raw nila ang kanilang idolo. Silang lahat ay nag-congra-tulate kay Hyun Sik.

Isang mahigpit na yakap naman ang binigay ng miyembro ng ZE:A band sa kanyang magulang na dumalo sa kanyang “graduation” ng basic military training.

Si Hyung Sik daw ang nakakuha ng isa sa pinakamataas na ra-ting sa mga bagong recruit.

At bilang bahagi pa rin ng commendation sa kanya, pinagkalooban din si Hyung Sik ng 3-day vacation.

Ang popular drama na “Strong Woman Girl Bong-soon” at “Suit” ang
dalawa sa mga huling drama na ginawa niya bago mag-enlist.