Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Park Ji Sun, ermat natagpuang patay

0 141

Malungkot na balita na naman sa entertainment ng South Korea dahil sa pagpanaw ng komedyante na si Park Ji Sun.

Pati ang kanyang ina ay natagpuang ding patay sa mismong tahanan nila sa may Mapo District, Seoul at 1:44 p.m. KST.

Ayon sa report ng police, nag-alala raw ang ama ni Park Ji Sun nang hindi ito makontak gayundin ang kanyang ina.

Nang dumating na nga sa bahay ng komedyante, natagpuan na ng mga pulis na walang buhay ang mag-ina.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Wala raw anumang trace ng homicide o sapilitang pagpasok sa bahay. Kaya ang initial findings agad sa pangyayari ay suicide.

May iniwang one page note raw ang ina ni Park Ji Sun, pero hindi pa ito inilalabas sa publiko.

Ilang buwan din ang nakararaan, balitang nagkasakit si Ji Sun, pero hindi na-diclose kung ano ang naging sakit nito. Kaya ang ina niya ay kasama niya muna sa bahay para alagaan siya. May longterm skin chronic condition at sunlight allergy rin daw ito.

Si Park Ji Sun ay nanalo ng ilang awards bilang komedyante. Nag-debut siya sa KBS noong 2007.

Sa pagpanaw nito, maraming Korean celebrities ang hindi makapaniwala, nagdadalamhati at nag-post ng kanilang mga mensahe. Kabilang na rito si Super Junior Leetuk, Jun Ho, Ha Ha, Kim Ji Min, Park Ha Sun at iba pa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.