Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Park Seo Joon lumayas sa Korea

0 103

Kumpirmado na. Nakapasok na rin si Park Seo Joon sa international arena.

Inanunsyo ng Awesome ENT , agency niya , na isa sa cast ng Captain Marvel sequel movies ay si Park Seon Joon.

Last month, naisulat na rin namin dito ang posibilidad na makasama si PSJ sa “The Marvels” ang pinakabagong sequel ng Captain Marvel. Nakalagay na ang pangalan niya sa IMDB ng pelikula at maingay na rin ang balita tungkol dito.

Noong August 3 pa pala, kinumpirma ng Awesome ENT na umalis na sa South Korea si PSJ para nga mag-shoot ng Marvel movie. Pero wala silang inilabas na balita tungkol dito not until after one month.

Sa official statement ng agency ngayon, nagpapasalamat daw sila sa lahat ng nagpapakita ng interes simula nang lumabas ang balita tungkol dito.

“We thank the many people who have shown interest and support for Park Seo Joon as he takes on this new challenge. We are well aware that many people are curious about the name of the film in which he will be appearing, his character, the filming location, and his filming schedule, but we plan to reveal the details of the movie at a later date.”

Si Park Seo Joon (na nakilala rin sa mga K-drama niya tulad ng What’s Wrong With Secretary Kim, Hwarang, Itaewon Class at iba pa) ang ikatlong Korean actor na magiging bahagi ng Marvel movie. Nauna na sina Claudia Kim na napanood sa ‘Avengers: Age of Ultron’ at Ma Dong Seok sa ‘Eternals.’

Leave A Reply

Your email address will not be published.