Abante Tonite Interactive

Park Seo Joon pumangalawa sa BTS

By
1,362

Umaangat ang popularidad ng South Korean actor na si Park Seo Joon dahil sa performance niya sa kanyang Korean drama na ‘What’s Wrong With Secretary Kim’.

Pumangalawa si Seo Joon sa societal influential ranking sa Weibo’s daily Hallyu influencers chart na lumabas noong July 12.

Umabot sa se­cond ang ranking ni Seo Joon at ang sikat South Korean boy band na BTS naman ang nasa top 1. Nagta-top din ang Secretary Kim finally kissed sa realtime search keywords sa Weibo.

Abante Hiring – IT dep

Unang nakilala si Seo Joon sa China sa role niya sa ‘She Was Pretty’. Sa Pilipinas naman ay marami ang humanga sa kanya sa ‘Hwarang’.

Isang showbiz insider ang nagkomento ng “Park Seo Joon’s romantic yet refreshing charms and Chinese netizens’ interest in ‘What’s Wrong with Secretary Kim’ have had a synergistic effect. There has been a sudden increase in Chinese netizens who are re-watching Park Seo Joon’s previous works. These netizens also share their reviews of the dramas, and affectionately call him vice president or Young Joon [Park Seo Joon’s character] oppa.”

Sa edad na 29, tapos na ang actor sa kanyang mandatory military service. Bago siya mag-debut noong 2011 ay nakapag-enlist na siya sa edad na 19.

Ang What’s Wrong With Secretary Kim ay napapanood sa tvN at magpi-finale na sa July 26. Unang tambalan nila ito ni South Korean actress na si Park Min Young.