Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Park Seo Joon sasabak sa Captain Marvel

0 81

Mas malakas ang balita ngayon na si Park Seo Joon ay mapapanood na rin sa sequel ng American film na “Captain Marvel 2.”

Although wala pang official confirmation mula sa agency ng actor, nababasa na kasi ang pangalan niya sa IMDB ng “The Marvels” bilang isa sa cast.

Ang The Marvels is an upcoming superhero film na base sa Marvel comics .Nagtatampok ito sa mga characters tulad nina Carol Danvers bilang si Captain Marvel, Monica Rambeau at Kamala Khan bilang si Ms. Marvel.

Lumabas rin na ang target date ng showing nito ay sa November 11, 2022 .Si Nia DaCosta naman ang director.Ito’y under Marvel Studios at produced ni Kevin Feige.

SM food to go Banner Ad

Hinihintay na lang ng lahat ang official announcement ng agency ni Seo Joon. At ‘pag nagkataon, siya ang ikatlong Korean actor na makakasama sa Marvel series.

Nauna na sina Claudia Kim at Ma Dong Suk.

Ang huling drama na ginawa ni Park Seo Joon ay ang Record of Youth at ang Itaewon Class noong nakaraang taon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.