Abante Tonite Interactive

Park Shin Hye inaatake ng migraine

325

Kahanga-hanga si Park Shin Hye kung paano rin niya ginagamit ang influence niya for a good cause.

Kilalang philantropist ang aktres. Nakapagbukas nga siya ng foundation, ang Shinhye Center. Napakarami ng natutulungan niya sa Africa at sa mismong bansa natin, ang Philippines.

Pero ayon sa Korean actress, hindi raw niya magagawa ito kung wala rin ang tulong ng mga fan niya. At para rito, more than her, ang mas kapuri-puri raw ay ang mga tagahanga niya.

“While sponsoring the one-on-one child support program in order to help the children in need in those areas, my fans also supported the one-on-one child support programs in their local areas and the scale slowly became bigger.

“So I donated the profits from my fan meeting and opened a center. I think that my fans are more amazing than I am.”

Personally, humanga kami kay Shin Hye dahil ang talent fee niya na natatanggap sa mga fan meeting ay dino-donate lang niya sa foundation.

Sey ni Shin Hye, “I once read about the hard work of firefighters and I wondered if there was a way to help them.

Once I heard that a fire suit laundry machine was being released from LG, I asked for their participation and we donated. They responded by saying that they’d be happy to help out for a good cause. LG donated 20 each of the fire suit laundry machines and dryers.”

Sa isang banda, 16 years na sa showbiz si Shin Hye who is 29 years old now. Nagsimula ito bilang isang child actress.

Naging young Choi Ji Woo din siya sa “Stairway to Heaven”.

Pero kahit matagal na itong artista, nakakaramdam daw siya ng stress kapag naghahanda siya for a new project. Inaatake raw siya ng migraine.
“The interesting thing is, I suffer from a migraine for about a month when deciding on and preparing for a project,” pag-amin niya.

“I guess I feel stressed while preparing. I also feel tired, nervous, and anxious. But it’s interesting because the migraine goes away when I go on set.”

Napakarami nang drama na pinagbidahan ni Shin Hye, ang huli ay ang “Memories of Alhambra” with Hyun Bin. Kasalukuyan niyang ginagawa ang documentary na “Humanimal” na tumatalakay sa co-existence ng animal at tao at ipalalabas sa December 2019.

At sisimulan din niya ang bagong movie, ang “Alone” kasama si Yoo Ah In.