Abante Tonite Interactive

Park Shin Hye inatake ng kalungkutan

0 1,652

Sa magkasunod na suicide news tungkol sa mga high profile celebrities internationally – ang founder ng Kate Spade brand na si Kath at ang CNN food chef and travel host na si Anthony Bourdain – mu­ling nagti-trend ang tungkol sa depression at suicide.

Ang mga South Korean celebrity, even way back ay tila kilala sa mga artistang kahit mga bata pa lang ay nagre-resort sa pagpapatiwakal kahit na ang iba sa kanila ay nasa kasikatan. Ang madalas na dahilan, depression.

Base sa ibinahagi ng South Korean actress na si Park Shin Hye sa finale episode ng ginawa nilang variety show ni So Ji Sub, ang “Little House in the Fo­rest”, sa unang pagkakataon ay ipinagtapat niya na hindi siya masaya o kung bakit hindi siya naging happy noon.

Na tila nakita lang niya ang happiness niya nang gawin niya ang show at kasama nga rito ang immersion na ginawa ng dalawang aktor.

Sa finale episode ng tvN’s variety show, ipinakita ang naging conversation ng production kay Shin Hye nang tanungin ito kung masaya ba siya.

Ang naging sagot ng aktres, “I don’t know about happiness, but I am thankful. I do have thankfulness. But I’m not sure how to measure happiness.”

Naging emosyunal si Shin Hye at naluha sa ilang rebelasyon pa niya. Aniya, “I’ve always been too sorry to talk to people about ha­ving a hard time. I just kept everything bottled up.

“I thought [in the forest] that I’d be able to just be comfortable, without thinking about the people around me and what they think. When I received the call [about doing this show], after not even 30 minutes, I said ‘I’ll do it!’”
Base sa naging pahayag ni Shin Hye, walang duda na kahit na sikat ka, kahit maraming taong humahanga at nag-aabang ng atensiyon niya, still, hindi pa rin siya masaya at hindi nagagawang sabihin sa kahit siguro pinaka-malapit na tao sa kanya ang anumang nararamdaman.

Kaya nagpasalamat ito sa show at sinabing ito raw ang pinakamasayang araw niya.

Aniya, “Thank you Little House in the Forest. Thanks to the house, I was so happy. It was the biggest happiness.”