Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Park Si Yeon binawian ng driver’s license

0 130

Sa South Korea, talagang isang malaking isyu ‘pag ang isang Korean citizen ay nahuli na drunk driving o may traffic violation.

Ganito ang nangyari sa South Korean actress na si Park Si Yeon noong January 17. Nabangga nito ang bumper ng isang sasakyan sa intersection na naghihintay lang sa light signal para mag-left turn.

Sa test, lumabas ang resulta na nakainom ito. Ang blood alcohol content level ay nasa 0.097 percent, high enough para ma-revoke ang kanyang driver’s license.

Ni-report ng SBS na Park Si Yeon at ang driver ng sasakyan ay hindi naman badly injured. Inamin naman ng aktres sa police questioning na nag-drive siya pagkatapos na uminom ng alcohol.

Naglabas naman ng kanyang apology si Park Si Yeon at nagsabing nagre-reflect na sa kanyang nagawa.

Ayon dito, “This is Park Si Yeon.

SM food to go Banner Ad

As I should personally apologize, I’m cautiously uploading a post on my personal account.

First, I sincerely apologize for evoking criticism.

Regardless of the reason, it was something that should not be done. I thought about it lightly and I am regretting and deeply reflecting on myself.

I am so sorry to the people who support and cherish me as well.

Once again, I will sincerely reflect.”

Si Si Yeon ay napanood sa mga drama tulad ng Coffee House, The Innocent Man at The Scent.

Leave A Reply

Your email address will not be published.