Abante Tonite Interactive

Park Yoochun kulong ng 1 taon, 6 buwan

401

tonite-annyeong-rose-garcia

Nasayang ang lahat ng pinaghirapan ni Park Yoo­chun dahil sa drug scandal niya. Siya ay kilala sa K-drama na “Rooftop Prince.”

Katulad ng ilang idols, nasangkot siya sa droga at prostitution. Nag-retire na rin siya sa entertainment noong April 23, 2019 pagkatapos na mapatunayang positibo siya sa droga.

Noong June 14 ginanap ang unang hearing ng kaso ni Yoochun sa Suwon District Court. Ilan sa drugs case niya ay ang diumano’y paggamit niya ng Philopon (isang klase ng methampetha­mine) sa anim na pagkakataon mula September hanggang October, 2018 kasama ang kanyang dating girlfriend/fiancée na si Hwang Ha Na sa bahay nito sa Yongsan.

Sumunod dito ay ang pagkakaaresto sa kanya noong April 26, 2019 dahil sa pagbili niya ng 1.5 grams ng Philopon, again, with Hwang Ha Na from February to March 2019.

Sa naging hearing ni Yoochun, umamin naman ito sa mga charges sa kanya.
Still, ang prosecution ay sinentensiyahan na siya ng 1 year at six months in prison at pinagbabayad din ito ng 1.4 million won (approximately $1,182).

Komento naman ng mga netizen, sana raw sa halip na ikulong ay mas magandang ipasok ito sa rehab.

Jeon So Mi keber sa iskandalo ng YG Entertainment

Sa kabila ng mga kontrobersiya ngayon sa YG Entertainment, natuloy pa rin ang solo debut ni Jeon So Mi noong June 13.

Ang title ng first single niya ay “Birthday.” Pero ang totoong birthday niya ay March 9.

“‘Birthday’ is the day of birth. It also has the meaning­ as the day I was reborn as a solo singer. ‘Outta My Head’ is my self-composed song. I didn’t have any idea of writing lyrics and composing, but my company producers helped me. I experienced the pain of creating for the first time,” saad ni Jeon So Mi.

Kabado raw siya ngayong solo na siya.

“I’m greeting the public in three years. I’m very nervous.”

Dati siyang JYP talent na pumirma ngayon ng kontrata sa YG Entertainment. ‘Yun nga lang, aware rin ito ngayon sa mga scandal na kinasasangkutan ng agency niya.

“I wasn’t swayed and worked hard to prepare in my own way,” sambit niya.
Si Jeon So Mi ay dating leader/center ng girl group na IOI.

B.I kawalan sa iKON

Pinatotohanan ng YG Entertainment na wala na nga sa grupong iKON si B.I o Kim Han Bin. Tsinugi na rin ang guesting niya sa “Law of Jungle” episode at gayundin sa iba pang variety shows.

“This is YG Entertainment.

“We bow our heads and apologize for disappointing everyone with our artist Kim Han Bin’s problem.

“Kim Han Bin is feeling heavy responsibility due to the impact of this matter. Taking the matter seriously, he has decided to leave the team and terminate his exclusive contract.

“YG has become keenly aware of our responsibility for managing our agency artists.

“Once again we sincerely apologize for causing concern.”

‘Yun nga lang, bilang leader ng grupong iKON, naniniwala ang mga fan na hindi na “same” ang iKON sa pagtiwalag ni B.I. Nag-aalala rin sila para sa mental health ng singer/rapper/songwriter na baka kung ano raw ang maisipang gawin.

Gumawa naman ng petition ang mga fan na huwag tuluyang tanggalin si B.I.
‘Yun nga lang, may duda na siyempre ang karamihan sa kung ano ba talaga ang totoo kahit na 2016 pa ito nangyari.

Bukod kay B.I, kinukuwestiyon din ang YG Entertainment na pinaniniwalaan ng iba na nakipagkuntsabahan umano para hindi na madawit si B.I sa statement. Dahil sa bagong scandal na ito, lalong naging pababa na nang pababa ang stock value ng YG sa market.

May petition din ang ibang netizen na i-ban muna raw ang mga activities ng YG artists. Nag-ugat pa ito dahil sa matinding scandal na kinasasangkutan pa rin ng dating artist nila na si Seungri.

Nakasaad sa Blue House petition bulletin board na, “YG Entertainment celebrities are constantly getting involved in drug and marijuana cases and should stop their activities on all broadcasts.

“YG Entertainment houses a large number of idol singers, actors, and entertainers. There have been countless drug scandals recently. To say that these are just suspicions, there are too many drug scandals occurring in one agency, which points to a serious problem inside the company.

“They need to be stopped from their activities on all broadcasting media, and a thorough internal investigation on the agency must be conducted.”