Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Parke Santuwaryo ng mga Multo

0 201

Ni Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo isang kakaibang karanasan ang naikuwento sa Misteryo ng isang psychic nang siya mismo ay nakipag-usap sa mga multo na naipon sa isang parke.

Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo.”

Sa karanasan ni Ramon ng Pasay, kinausap niya ang mga multo na nagtipon-tipon sa isang hindi niya binanggit na parke.

Misteryo: “Ano sabi nila sayo? Paano naman sila naipon sa parke na yun at naging santuwaryo nila?”

Ramon: “Sabi nila para silang na-magnet sa parke na yun at marami silang nagtipun-tipon. Yung iba gusto lang tumambay sa parke at yung iba gusto na ring umakyat sa langit.”

Misteryo: “Nakita mo ba hitsura ng mga multo habang kausap mo sila?”

Ramon: “Yung iba naaaninag ko gamit ang mata ko. May iba na anino lang. Pero madali ko silang makita sa mind’s eye ko o mata ng isip ko.”

Misteryo: “Ano pa naikuwento sayo ng mga multo?”

Ramon: “May bantay na malaking tao sa parke. Nang tignan ng mind’s eye ko hitsura ng malaking tao, maitim siya na matangkad at nagniningas na mapula ang mga mata.”

Misteryo: “Ano siya? Kapre o Agta?”

Ramon: “Alam ko kapre siya kasi itim na mapula ang mga mata pero mabait naman sa kanila na mga ligaw na kaluluwa.”

Misteryo: “Lumalabas na siya pala ang bantay o caretaker ng mga na-stranded na mga multo sa parke na yun. Pero kung gusto nila umalis sa parke, ok naman ba sa kanilang bantay,”

Ramon: “Oo ok naman daw basta magpaalam lang ng maayos. Mabait naman daw yung caretaker nila.”

Misteryo: “Yun bang mga multo sa parke na yun ay nananakit? O kaya ay nang-iistorbo ng tao?”

Ramon: “Yung iba medyo ilag lang o kaya ay galit sa tao kasi hindi raw sila pinapansin. Kasi nga siguro pag nakita sila, pwede silang katakutan. Yung iba makulit naman. Meron kasi opisina sa parke na yun. Kinakalabit nila ang mga empleyado lalu na ang mga nasa night shift. Yung iba, binubulungan para hindi makatulog sa duty lalu na mga guwardiya.”

Sadyang may mga lugar na tambayan ng mga multo tulad ng binanggit ni Ramon. Para sa inyong mga kuwentong kababalaghan o Misteryo, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at Abante.com.ph

Leave A Reply

Your email address will not be published.