Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Parking fee’ scam sa PhilHealth

0 64

Ni Nancy Carvajal

Ibinunyag umano ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa kanyang testimonya sa task force na pinamumunuan ng Department of Justice (DOJ) ang suhulan sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na tinawag nitong “parking fee”.

Sa pamamagitan umano ng “parking fee” ay puwedeng maharang ang paglalabas ng anumang negatibong desisyon laban sa mga nagkasalang opisyal at empleyado ng PhilHealth gayundin sa mga health care institution (HCI) at mga doktor, ayon sa isang mapagkakatiwalaang source ng Politiko (politics.com.ph) na pamilyar sa isinasagawang imbestigasyon ng task force.

Sinabi ng source na ang ginawang pagbubunyag ni Duque hinggil sa umano’y pay-off system sa ahensya ay nangyari matapos ang naunang testimonya ng isang dating ranking PhilHealth official ukol sa parking fee scheme para ikahon ang isang kaso.

“The former official learned of the practice of paying money tagged as parking fee to stall the promulgation of decisions against erring officials, employees HCI’s and doctors,” ayon sa source.

Inilahad pa ng source na base umano sa testimonya ni Duque, binanggit din nito ang hindi inilabas na promulgasyon ng nasa 3,000 mga kuwestyonableng cataract reimbursement case dahil sa “parking fee”.

Base umano sa PhilHealth rules, ang kapangyarihan ng pagpapasya sa mga kaso ay nasa kamay ng Board of Directors kung saan kailangan ang boto ng mayorya ng mga miyembro nito.

“These cases were raised to the Board by Philhealth’s by its own prosecutors that involved administrative action against health care providers, members and those handled by its own arbiters,” sabi ng source.

Matatandaang sa pagdinig ng Senado ay inamin ni PhilHealth senior vice president for Legal Sector Rodolfo del Rosario ang mababa at mabagal na prosekusyon ng mga kaso laban sa mga nireklamong Philhealth employee at mga HCI

Kinumpirma rin nito na libu-libong kasong administratibo at kriminal ang hindi pa naisasampa sa mga hukuman.

Sa ilalim ng batas, mayroong sariling prosecutor ang PhilHealth na may subpoena power. Mayroon ding quasi-judicial power ang ahensya para magdesisyon at agarang ipatupad ang mga resolusyon nito maliban sa mga naka-apela pa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.