Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Parks babad sa Nagoya

0 77

Pinahaba pa ni Bobby Ray Parks Jr. ang pananatili sa Japan B. League.

Pumirma ng contract extension ang Pinoy import sa Nagoya Diamond Dolphins matapos ang magandang kampanya sa papapatpos nang 7th JBL 2021-22 season.

‘Di lang klaro kung magkano ang alok ng koponan, pero isa sa dahilan ng pananatili ng 29-anyos sa koponan ay dahil naramdaman niya na welcome siya’t ‘at home’ sa Dolphins.

“The team being together is really great as well, and I really enjoyed our time together,” masayang pahayag Linggo ng former Philippine Basketball Association star mula sa TNT. “Everything was very genuine. And the city of Nagoya, the management, everyone made me feel like I was truly at home.”

Naging makabuluhan ang una niyang taon sa liga sa markang 10.4 points, 2.2 rebounds, 1.9 assists, at 1.1 steal sa 46 minutes per game.

Siya lang ang Pinoy cager sa Nippon league na nakaabante sa playoffs. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.