Abante Tonite Interactive

Parks, Blackwater titibagin ang RoS

288

Maraming ‘first’ na nilista ang Blackwater tapos ng 11-game eliminations ng PBA Commissioner’s Cup.

Winakasan ng Blackwater ang elims sa franchise-best 7-4 win-loss card, kabuhol ang Ginebra pero sinelyuhan ng Elite ang No. 4 slot sa bisa ng panalo sa Gins nitong May 24.

Huling kinaldag ng Elite ang Alaska 112-104 nitong July 14.

Abante Hiring – IT dep

Highest-finish ever din ng Dioceldo Sy-owned franchise na nangulelat sa nakaraang Philippine Cup nito lang ding Mayo.

Ngayon lang din sasalang sa best-of-three series ang Elite, bibinyagan sila sa playoffs ng No. 6 Rain or Shine (5-6).

Si rookie Bobby Ray Parks Jr. ang panguna­hing pambato ng Blackwater, may mahala­gang kontribusyon din sina Roi Sumang, Mac Belo at Allein Maliksi pang-ayuda kay import Staphon Blair.

“We all know we finished last in the Philippine Cup pero ‘di sila (management) nawalan ng tiwala sa amin,” ani coach Aris Dimaunahan. “Also, the players for really sticking with each other.”

Sa kabilang banda, bago natapos ang elims ay nagpalit din ng import ang Elasto Painters.­ Tinawag si Carl Montgo­mery para humalili kay Denzel Bowles na nagka-injury sa tuhod.

Sina rookie Javee Mocon at old reliables Beau Belga, Rey Nambatac, Gabe Norwood at Ed Daquioag ang mga inaasa­han ni coach Caloy Garcia. (Vladi Eduarte)