Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Parks, Dolphins kumampay

0 235

Tuloy sa pananalasa si Bobby Ray Parks Jr. at ang Nagoya Diamond Dolphins makaraang lampasuhin ang Seahorses Mikawa, 82-65, sa Japan’s 6th B.League 2021-22 regular round sa Wing Arena Kariya sa Aichi Prefecture Miyerkoles ng gabi.

May mahalagang kontribusyong 13 points at tig-2 rebounds at assists ang Pinoy import para sa third straight win ng Dolphins na pumanhik din sa 12-7 win-loss record.

SM food to go Banner Ad

Bumida sa Nagoya si Scott Eatherton na pumuntos ng 21, sahog pa ang 9 boards rebounds at 4 feeds. Bakas si Coty Clarke ng 19 na puntos, 10-reb. at 7-asst.

Sunod sa Diamond Dolphins sa Sabado, Disyembre 18 si Dwight Ramos at ang Toyama Grouses. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.