Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Parks, Dolphins ratsada sa Japan

0 244

Swak na ang kontribusyong 7-point, 3-rebound at 2-assist ni Bobby Ray Parks Jr. upang pabagsakin ng Nagoya Diamond Dolphins ang Hiroshima Dragonflies, 82-76, sa 6th B.League 2021-22 eliminations sa Park Arena Komaki City sa Aichi Prefecture, Japan Miyerkoles ng gabi.

Pangalawang ragasa ito ng Dolphins makaraang resbakan noong Linggo ang Gunma Crane Thunders, 100-90 na rito’s bumakas ang Pinoy reinforcement ng 12-marker at 5-board at 2-feed performance.

Pasiklab sa Nagoya laban sa Hiroshima si Scott Eatherton na nagbaon ng 18 pts., 6 rebs. at 2 steals para iangat ang kampo sa 6-5 kartada at hatakin ang biktima sa 7-4.

Swerte man si Parks, minalas naman si Kiefer Isaac Ravena nang yumuko ang Shiga Lakestars sa Shimane Susanoo Magic, 102-94, sa Ukaruchan Arena sa Otsu City, Shiga Prefecture.

Hindi 14 points, 6 assists at tig-2 rebounds at steals ni Ravena upang kargahin ang team na humandusay sa 6-5.

Inalat din si Kobe Lorenzo Paras at ang Niigata Albirex BB na tumikim ng 82-81 loss sa Kawasaki Brave Thunders. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.