Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Parks, Dolphins sinupot Thunders

0 553

Nagsalpak si Bobby Ray Parks Jr. ng 12-point, 5-rebound at 2-assist nang pabagsakin ng Nagoya Diamond Dolphins ang Gunma Crane Thunders, 100-90 sa 6th Japan B.League 2021-22 elims sa Ota City Athletic Park Citizen’s Gymnasium Linggo ng hapon.

Nanguna para sa Dolphins si Coty Clarke na may 18 points, 5 boards, habang bumakas si Takumi Saito ng 17 pts., 7 asts. at 3 rebounds, at si Scott Eatherton ng 17 puntos, apat na rebound at tatlong assist.

Pambawi ito ng Pinoy import at Nagoya sa 92-101 defeat sa Thunders nitong Sabado para umakyat sa 6-5 win-loss slate sa fourth spot kasalo ang Shiga Lakestars at Shinshu Brave Warriors.

Inalat naman si Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III na umiskor ng 13 sa pagtaob ng San-En NeoPhoenix (3-8) kontra Sun Rockers Shibuya (8-3), 80-91, SA Aoyama Gakuin Memorial Hall.

Sunod na asigntura ng Dolphins sa ang Hiroshima Dragonflies sa darating na Miyerkoles habang sa NeoPhoenix ANG Berave warriors sa nasabi ring araw. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.