Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Parks iimbestigahan ng PBA

0 251

Kumalat ang epekto ng ginawa ni Bobby Ray Parks Jr. sa PBA.

Sinabi ni TNT governor Ricky Vargas na bubuo ang liga ng grupo para busisiin at gumawa ng panuntunan kung paano tutugunan ang tulad ng ginawa ni Parks, mga player na magdadahilan kung bakit hindi maglalaro.

Nag-break sa planning session Martes para magpatawag ng Zoom conference at ibalita ang mga plano sa susunod na season na magiging two-conference format na lang – Philippine Cup na sisiklab sa April 11, at Governors Cup.

“Other than the pandemic, this is an issue that hit us squarely in our faces because these are real issues that I think the PBA is faced with and challenged to look at,” ani Vargas matapos mahalal ng isa pang termino bilang Board chairman.

Si vice chairman Bobby Rosales ng Terrafirma ang mamumuno sa grupo kasama ang dalawang lawyers.(Vladi Edaurte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.