Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Parks kursunada ng NorthPort

0 378

Hangad ng NorthPort na makuha ang serbisyo ng kontrobersiyal na si Bobby Ray Parks Jr. kung saan nakahandang i-trade ang sinuman sa Batang Pier maliban kina Robert Lee Bolick Jr. at kakukuha lang mula rin sa swap na si Gregory William Slaughter.

“Northport willing to trade any player on their roster except for Bolick and Slaughter in exchange for Parks Jr. of TNT,” ayon sa isang Twitter post ng PBA on the go@Tekken21329825, para sa Mikee Romero-owned team.

Pinasya noong March ng 28-year-old, 6-foot-4 Fil-Am combo-guard na huwag munang maglaro sa papasok na buwang 46th Philippine Basketball Association Philippine Cup 2021, nang magkalabuan sa kontrata niya sa TNT.

SM food to go Banner Ad

Pero may umiiral na gentlemen’s agreement sa 12 teams na may basbas ni Commissioner Willie Marcial para sa silent ban ng unang Asia’s play-for-pay hoop sa player habang hindi siya nakikipag-areglo sa Tropang Giga.

Hakbang iyon ng team na siniwalat na may two-year maximum deal sila sa nagbalik sa US upang alagaan na lang aniya muna ang biyudang ina. Nais turuan ng leksiyon ng Tropa ang basketbolista na nag-average 22.4 points, 7.8 rebounds at 1.3 assists last season. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.