Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Parks, Nagoya kinatay Kyoto

0 186

Humarurot sa third quarter ang koponan ni former Philippine Basketball Association (PBA) superstar Bobby Ray Parks Jr. na Nagoya Diamond Dolphins upang payukuin ang Kyoto Hannaryz, 91-58, sa 2021-2022 B.League season na inilaro sa Kyoto City Gymnasium kahapon.

Namuno sa opensa para sa Nagoya si Scott Eatherton na nagtala ng 18 points, siyam na rebounds at dalawang assists habang nag-ambag si Parks ng limang puntos, tatlong steals at isang rebound.

Hindi naman nagpadaig ang ibang kakampi ni Parks tulad ni Coty Clarke na kumana ng 13 puntos, 10 boards at apat na assists para sa Diamond Dolphins na tangan ang 10-7 record.

Sumalpak ng tres si Yutaro Suda upang hawakan ng Diamond Dolphins ang 34-point lead, 89-55, may 1:08 minuto na lamang ang nalalabi sa laro.

Sisikapin ng Diamond Dolphins na walisin ang Hannaryz ngayong araw. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.