Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Parks, Nagoya ragasa pa rin

0 210

Bumakas si Bobby Ray Parks Jr. nang mahalagang 12 points at 2 rebounds upang lunurin ng Nagoya Diamond Dolphins ang Osaka Evessa 108-84 Japan’s 6th B.League 2021-22 regular round sa Ookini Arena Maishima sa Osaka City Miyerkoles ng gabi.

Ito pangwalong sunod na pananalasa ng Pinoy import at ng Dolphins na umakyat sa 17-7 win-loss record kasabay sa pagsalya sa biktima sa 12-12. Sunod sa daan ng Nagoya ang Shimane Susanoo Magic sa Enero 2 ng susunod na taon.

Inalat ang mag-utol na Ravena na sina Kiefer Isaac at Ferdinand ‘Thirdy’ III sa magkahiwalay na salang.

SM SuperKidsDay Banner Ad

‘Di naging sapat ang 8 pts., 4 assists at 1 reb. ni Kiefer sa Shiga Lakestars (9-15) na bumulagta kontra Hiroshima Dragonflies (15-9), 92-67, habang lupasay rin si Thirdy at ang San-En Neophoenix (4-20) laban sa Ryukyu Golden Kings (21-3), 101-69. (Janiel Abby Toralba/Aivan Episcope)

Tuloy naman ang balandra ni Kobe Lorenzo Paras at ng Niigata Albirex BB (2-22) sa pang-21 nang malasap ang 86-75 boldyak ng Yokohama B-Corsairs (8-16). (Janiel Abby Toralba/Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.