Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Parks, Nagoya tinaga Mikawa

0 165

Kumampay si Bobby Ray Parks Jr. ng 23 points, seven rebounds at 2 assists para bidahan ang Nagoya Diamond Dolphins sa pagresbak sa SeaHorses Mikawa, 101-75, sa Japan’s 6th B.League 2021-22 regular round sa Wing Arena Kariya City sa Aichi Prefecture LInggo ng hapon.

Ibinawi ng Pinoy import at tropa ang kampo na lumasap ng 91-79 loss sa kalaban nito lang Sabado sa pagladlad ng determninasyon at tapang upang umangat sa West district standing fifth spot sa 8-6 win-loss card.

Mainit agad ang umpia ng Dolphins kontra SeaHorses nang lumayo sa first quarter, 20-9. Tinambakan pa ang karibal ng 26 puntos, 94-68, huling 1:54 sa gameclock ng fourth quarter at sinalya ang Mikawa sa 9-5 kahit ‘di natinag sa third place.

Bumakas kay Parks si Scott Eatherton ng 21 markers, 14 boards at at 2 feeds habang nakapagsumite si Tenketsu Harimoto ng 15-point at 4-rebound performance.

Si Jerod Yutov naman ang kumasa para sa MIkawa na sumisid ng 24 pts. kalakip ang 8 rebounds at tig-assists at steals.

Sunod na makakalaban ng Diamond Dolphins sa darating na weekend ang katabla sa unahang Shimane Susanoo Magic sa 22-team men’s hoopfest . (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.