Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Parks nagpasiklab sa Nagoya Dolphins

0 69

Nakapuntos din at kumislap si ex-PBA star Bobby Ray Parks Jr. sa Japan B.League matapos tulungan ang Nagoya Diamond Dolphins na talunin ang koponan ni Dwight Ramos na Toyoma Grouses nitong Sabado, 94-68.

Nagpasiklab ng double-digit points na 15 si Parks mula sa 50% shooting sa field (6-of-12).

Ang 10 puntos ni Parks ay mula sa lamang sa 3rd period, bukod sa magandang opensiba ay sumahog pa ito ng 4 na rebounds.

SM food to go Banner Ad

Dahil sa ipinakitang gilas ni Parks ay pinaangat niya ang Diamond Dolphins sa 2-3 win-loss record.

Samantala, ang bagong salang naman na si Dwight ay may 6 markers, 7 boards, at 3 dimes para sa Toyama na winless pa rin sa loob ng limang laro.

Magbabanggaan uli ang dalawa Linggo (12:05pm). (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.