Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Parks nanalo kay Black

0 122

Smart Clark Giga City – Sa unang pagkakataon, nakita ng PBA fans ang tapatan ng mga anak ng dalawa sa pinakamaangas na naging imports ng liga.

Nagtagpo sina Ray-Ray Parks at Aaron Black sa floor ng Smart 5G-powered AUF gym sa Angeles City nitong Sabado ng gabi.

Noong dekada 80, mahigpit na magkaribal sa liga sina Bobby Parks at Norman Black.

Ilang matitinding duelo ang pinagdaanan ng dalawa sa import-laced tournaments ng liga. Resident import ng Shell noon si Bobby, sa San Miguel Beer si Norman.

Seven-time Best Import at four-time champion si Bobby Parks. Two-time champion, two-time Best Import at miyembro ng PBA 10,000-point Club si Norman Black.

Nasa pangalawang taon na sa PBA si Ray-Ray na kamador ng TNT, rookie ng Meralco si Aaron.

Si Norman Black, coach ng Bolts, ang nakasaksi sa tapatan ng pangalawa nilang henerasyon. Namayapa na si Bobby Parks noong 2013.

Tinalo ng TNT ang Meralco 92-79.

Kinumpleto ni Ray-Ray ang fourth straight at fifth overall double-double niya sa Pampanga bubble na 17 points, 11 rebounds, perpektong 10 of 10 sa free throws.

Naka-3 points, 2 rebounds si Aaron sa loob ng 10:21. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.