Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Parks nasupot ang pasiklab

0 72

Smart Clark Giga City – Big night ni Ray-Ray Parks Biyernes ng gabi, kaya lang ay off ang kanyang mga kakampi sa TNT at isinuko ng Tropang Giga ang 110-103 loss sa Phoenix Super LPG.

Itinabla ng Fuel Masters ang best-of-five sa tig-isang laro, balik ng Smart 5G-powered AUF gym mamaya para magbasagan sa Game 3.

Tumabo si Parks ng career-high 41 points mula 10 of 14 shooting sa 3s.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Naiwan pa ng hanggang 60-42 ang Tropang Giga pero bumalik. Kaya lang, nang ma-fouled out si Parks 5 minutes pa sa laro ay nag-collapse. Lamang pa ang TNT sa yugtong ‘yun 92-90, pero kinubra ng Phoenix ang sumunod na walong puntos at hindi na bumitaw.

May anim na 3s si Parks sa first quarter lang, ayon kay chief Statistician Fidel Mangonon III ay pinakamarami sa isang period sapul nang magtuhog si Fuel Master RJ Jazul ng pito noong Nov. 5 kontra San Miguel.

Tinapos ni Parks ang first half na may walong 3s, pinakamarami rin sa isang half sapul nang magsalansan ng 9 si Marcio Lassiter sa SMB loss sa Rain or Shine sa Game 2 ng 2015 Governors Cup semis.

May 13 points ang isa pang gunner ng TNT na si RR Pogoy pero kinailangan niya ng 15 tira. Si Jayson Castro ay 2 of 10 lang tungo sa 9 points, 3 of 7 sa field si Poy Erram at apat sa 16 na bitaw ang naipasok ni Troy Rosario. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.