Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Parks out sa Gilas

0 111

Pasok sa humahabang listahan ng Philippine Basketball Association (PBA) stars na hindi makakapaglaro sa Gilas Pilipinas si Bobby Ray Parks Jr. ng TNT para sa 30th International Basketball Federation (Fiba) Asia Cup 2021 Qualifiers third window sa February 18-22 sa Clark Freeport.

Kagaya nina June Mar Fajardo ng San Miguel Beer at Tropang Giga Jayson Castro, injury rin ang humadlang kay Parks na nakuha sa 46th PBA 2020 Philippine Cup bubble sa Clark din upang lumiban sa national men’s basketball team.

Ngayon papasok ang PBA second batch sa upang samahan sina Kiefer Isaac Ravena, Christian Jaymar Perez, Roger Ray Pogoy, Jeth Troy Rosario, Justine Chua, at Raul Soyud na first batch na nag-Calamba bubble na sa Inspire Sports Academy sa Laguna. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.