Abante Tonite Interactive

Parks PBAPC Rookie of the Month ng May

283

Unang salang pa lang ni Bobby Ray Parks, Jr. sa Blackwater sa PBA Commissioner’s Cup, gumawa na agad ng ingay.

Naging top gunner agad ng Elite ang 26-anyos na guard, giniyahan ang team sa apat na sunod na panalo.

Sa stretch na ‘yun, nag-average ang No. 2 overall pick noong isang taon ng 23.5 points, 4.8 rebounds, 3.3 assists at 1.8 steals.

Abante Hiring – IT dep

Pangalawang laro pa lang sa liga, pasiklab na ang anak ni dating seven-time Best Import Bobby Parks ng career-best 28 points sa 108-107 overtime win kontra Ginebra.

Sa kanyang pinakitang laro sa unang conference sa pros, ginawad kay Parks ang PBA Press Corps Rookie of the Month para May. Tinalo niya sa citation ang nauna lang sa kanya sa draft na si CJ Perez ng Columbian na nag-average ng 24.3 points, 6.0 rebounds at 2.0 assists.

Inari ni Parks ang unang showdown nila ni Perez sa PBA nang itulak ang Blackwater sa 118-110 panalo noong May 26. Nagsumite si Parks ng 23 points, 5 rebounds at 5 assists kumpara sa 17 points, 7 rebounds ni Perez sa ikatlong sunod na talo ng Dyip sa simula ng kampanya sa midseason conference.

Ngayong season lang inumpisahan ng PBAPC na igawad ang pagkilala sa rookies. Unang tumanggap nito sina Perez (January at March) at Javee Mocon ng Rain or Shine (February at March). (Vladi Eduarte)