Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Parks pinayuhan ni Williams

0 303

Biglaan din ang desisyon ni Kelly Williams na mag-retiro noong isang taon, ayaw niyang mangyari din kay Bobby Ray Parks.

“Just like I told him, it’s no secret,” anang comebacking TNT big man sa Power & Play ni Noli Eala Sabado. “Talk directly to who you need to talk directly to. Don’t leave anything to chance to be miscommunicated, misunderstood, because that happens all the time.”

Hindi alam ni Williams ang buong kuwento na namagitan kay Parks at sa Tropang Giga. Napahapyawan lang niya nang magkausap sila ni Parks matapos ihayag ng huli na hindi siya maglalaro sa papasok na 46th PBA season.

“When you’ve dealt with the business for as long as I have, you get an understanding of how it can be,” dagdag ng dating PBA MVP. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.